
BLACK SATURDAY, BLOODY BUST! Tiklo ang isang 15-anyos na binatilyo at dalawa pang kasabwat matapos maaktuhan sa isang buy-bust operation sa Barangay Malanday, San Mateo, Rizal kung saan nasamsam ang mahigit P1.3 milyon halaga ng shabu!
Kinilala ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) ang menor de edad sa alyas “John John”, habang ang dalawang kasamahan nito ay sina “Paula,” 24, at “Mani,” 55.
Ayon sa mga awtoridad, ikinasa ang operasyon ng San Mateo Municipal Police Station sa pakikipagkoordina sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na aktibidad ng grupo.
Nasabat mula sa tatlo ang anim na pakete ng hinihinalang shabu at isang knot-tied plastic sachet, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 193.47 gramo—katumbas ng street value na P1,315,596!
Dahil menor de edad si “John John”, agad siyang itinurn-over sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa tamang interbensyon.
Samantala, sina Paula at Mani ay kasalukuyang nakakulong sa San Mateo Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Hindi pinalagpas ng pulisya ang petsa man ng mahal na araw. “Walang sinasanto ang droga kaya’t hindi rin kami titigil,” ayon sa isang opisyal ng Rizal PPO.
More Stories
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON
TRIKE BUMANGGA SA POSTE: BABAE PATAY, 8 SUGATAN KABILANG ANG SANGGOL
KOREAN VOICE PHISHING SUSPECT, HULI SA PAMPANGA