
Timbog ng mga awtoridad ang 14 Pinoy at anim na Koreano dahil sa pag-o-operate ng illegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO at pagpapatakbo ng scam.
Ipinatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang mission order sa isang opisina na matatagpuan sa basement ng isang hotel sa Pasay City sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya ng gobyerno.
Sinasabing isinasagawa sa naturang opisina ang POGO at scam operation, batay sa intel mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
“We’ve been hearing Korean POGOs for a long time but this is the first time we get actual Koreans running an offshore gaming operations,” ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio.
“Papakagatin ka nila, papatayain ka nila, mananalo ka. Then you keep on loading up to P200,000. Kapag P200,000 na ‘yung bet money mo bigla kang ika-cut so may scamming, may betting,” dagdag niya. Tumulong din ang Korean police sa operasyon.
“Sa data po namin sa Fugitive Search Unit (FSU), ang Number 1 po naming arrest in terms of fugitive lang ay Korean. Number 2 lang ‘yung Chinese,” ayon kay BI FSU chief Rendel Ryan Sy.
Kakasuhan ang mga Korean national ng immigration violation habang ang mga Pinoy ay isasailalim sa imbestigasyon.
Bukod sa mga computer, nasabat din ng mga awtoridad ang mga mallit na gadgets para mag-generate ng one-time passwords (OTP).
“Ito yung nagpo-produce ng OTP. Dito naka-store yun. Ngayon, ‘yung mga transaction nila dito naka-save so kailangan nila ito every time na magbubukas sila ng computer,” ayon kay PAOCC executive director Undersecretary Gilbert Cruz.
“For every computer, talagang may designated OTP. So ‘yung mga cryptowallet transactions nandito lahat. ‘Yung pinaka-number para makapasok sila,” dagdag niya.
Ayon kay Cruz, bilyon pera ang kinikita ng umano’y illegal POGO. Sa isang computer lamang, sinabi ni Cruz na nakita sa record ang halaga tulad ng P7 milyon, P2, milyon at P320,000.
Ayon sa isa sa mga nasakoteng Koreano hindi niya alam ang uri ng operasyon ng na pinapatakbo ng nasabing opisina. Habang ang isang Pinoy hindi niya raw alam na bawal na ang POGO.
More Stories
VP SARA SINOPLA NG MAKABAYAN BLOC MATAPOS MAGPASAKLOLO SA SC (Para pigilan ang impeachment trial)
36% PINOY MGA PRO-MARCOS, 18% PRO-DUTERTE – SURVEY
JAY RUIZ ‘SWAK’ BILANG BAGONG PCO SECRETARY (Cesar Chavez nagbitiw)