NAVOTAS CITY
Bagsak sa kulungan ang isang 18-anyos na mangingisda matapos ireklamo ng pananakit sa 14-anyos na dalagita dahil umano sa selos sa Navotas City.
Nahaharap sa kasong Slight Physical Injury in relation to RA 7610 ang suspek na kinilalang si Evenizer Robles, ng 15 Bagong Kalsada, Brgy. Tangos South.
Sa report ni PCPL Jenelyn Kiblong kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-6 ng gabi, pumunta ang biktima na itinago sa pangalang “Gina” sa bahay ng suspek upang kunin ang kanyang mga gamit.
Sa hindi malaman na dahilan, hinataw ng suspek ang biktima sa kaliwang hita at sa kanang mata na naging dahilan upang magkaroon ito ng injury.
Nagsumbong ang biktima sa kanyang tiyahin kaya’t sinamahan siya nito sa barangay upang i-report ang insidente bago humingi sila ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Dinala naman ang biktima sa Philippine General Hospital upang magamot ang tinamong pinsala habang lumabas sa imbestigasyon na selos umano ang motibo sa insidente
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY