December 24, 2024

13th month pay, Xmas bonus magkaiba

Ang 13th month pay ay isang batas Presidential Decree 851 na isinagawa effective 1975. Mandatory na iniutos ng batas na bigyan ng 13th month pay ang lahat ng mga empkeyado bilang pasasalamat ng gobyerno at mga negosyante sa mga manggagawa sa contribution nila sa negosyo at sa ekonomiya ng bansa. 

Entitled ang lahat ng mga manggagawa nito at kailangang cash na ibigay. 

Habang ang Christmas bonus naman ay boluntaryong binibigay ng mga employers o mga boss bilang ambag ng kumpanya sa noche buena o media noche salo-salo ng manggagawa ang pamilya.

Ang Christmas bonus ay maaring cash o groceries na binibigay usually starting December 15 onwards of every  year. Hindi ito mandatory kaya walang labor case na pwedeng maisampa kapag hindi naibigay. 

Samantalang ang 13th month pay, kapag hindi naibigay on or before December 24 every year, ay pwedeng kasuhan ang employer ng non-payment of wages. 

Maraming mga manggagawa ang niloloko ng kanilang mga employer. Ang siste, pinag-isa ng mga tiwaling employer ang 13th month pay at Christmas bonus by giving their employees 2,500 pesos worth of groceries and 3,000 pesos cash.