METRO MANILA – Umabot sa 6,666 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, habang ang kabuang bilang ng namatay nang magsimula ang pandemya ay higit 13,000 na.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (March 24), pumalo na sa 684,311 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 91,754 o 13.4 porsyento ang aktibong kaso.
95.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.5 porsyento ang asymptomatic; 0.46 porsyento ang moderate; 0.9 porsyento ang severe habang 0.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 47 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 13,039 o 1.91 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,072 naman ang gumaling pa sa COVID-19. Dahil dito, umakyat na sa 579,518 o 84.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan