Ipinusta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagkapresidente kaugnay sa mga paratang kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. na may korapsiyon umanong nagaganap sa pagbili niya ng COVID-19 vaccine para sa bansa.
“[Y]ou know, Secretary Galvez, he is doing everything he can. Mabuti’t natapos na giparangkahan ko talaga sila,” ani Duterte sa isang speech sa Jolo, Sulu.
“Ang sabi ko ipusta ko ‘yung presidency ko, walang graft ‘yan at si Secretary Galvez kilala ko,” dagdag pa niya.
Kaugnay ito sa pagtanggi ni Galvez na ibunyag ang mga detalye ng napagkasunduan nila ng Chinese firm na Sinovac.
Binigyang-diin din ni Duterte sa kanyang speech na maaaring magkanya-kanyang bili ang mga lokal na pamahalaan ng lungsod basta’t isangguni lamang ito sa Food ang Drug Administratrion (FDA).
“Now, let me be very clear. Doon sa mga local governments, wala akong objection kung magbili ang local government para iturok doon sa mga tao. Okay ‘yan. Walang inggitan ‘to, puro tayo gobyerno,” sambit niya. “Ang akin lang is that kung ano man ang i-ano ninyo, i-vaccinate, just clear it with the FDA… So it’s a mandatory requirement. Other than that, I have nothing to do. That’s a requirement of law, sunod lang tayo,” dagdag pa nito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY