NASA 13 bahay, kabilang ang isang simbahan, ang tinupok ng apoy matapos sumiklab ang sunog sa Consolacion, Cebu.
Pasado alas-7:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Sitio Bangkerohan, Barangay Tayud kagabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Concolacion, tinatayang nasa P250,000 ang halagang napinsalang ari-arian.
Naapula ang sunog pasado alas-8:27 ng gabi.
Ayon sa paunang ulat, nagsimula ang sunog sa isang bahay matapos sindihan ng isang residente ang tray ng mga itlog para pantaboy ng lamok saka iniwanana upang makinood sa telebisyon ng kapitbahay.
Agad humingi ng tulong ang mga biktima dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG