March 7, 2025

13-ANYOS TINIKMAN NG 40-ANYOS NA BASURERO (Nakitulog sa bahay ng kaibigan)

ARESTADO ng mga operatiba ng Smokey Mountain-Police Community Precinct ang isang 40-anyos na basurero matapos nitong gahasain ang 13-anyos na babae na kaibigan ng kanyang anak habang natutulog sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila nitong Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Juanito, ng Cluster 4 Maralla, Brgy. 128, Tondo, Manila na nahaharap sa kasong Rape sa Manila Prosecutor’s Office at nakakulong sa Manila Police District – Police Station 1.

Ayon sa salaysay ng biktima sa pulisya, natutulog siya sa bahay ng kanyang kaibigan, dakong alas-2:00 ng madaling araw., nang maramdaman niyang may humahalik sa kanyang leeg.

Tinangka pang pumalag ng biktima, pero sinabihan siya ng suspek na maglalaro lamang sila at nagawa nitong hubaran ang biktima at gahasain.

Matapos makaraos, pinagbantaan ng suspek ang biktima na babalikan siya nito para patayin kung magsusumbong sa sinuman kaugnay sa ginawa nitong kahalayan.

Gayunpaman, inamin ng biktima sa isang Jeffrey Corpuz nang tanungin siya nito kung bakit parang pagod, nauuhat at tulala ang biktima.

Nakarating sa ina ng biktima ang pangyayari na sinamahan siya sa SM-PCP upang maghain ng pormal na reklamo. (ARSENIO TAN)