November 5, 2024

1,282 Residente na Malapit sa Taal Volcano, Dinala sa Evacuation Center

Aabot sa 1,282  katao na ang inilikas dahil sa patuloy nap ag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 11 evacuation center ngayon ang mga inilikas.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, off-limits ngayon sa mga residente sa volcano island.

Nabatid na 13 barangay ang apektado.

Kabilang na rito ang Poblacion, Sinturisan sa San Nicolas; Gulod, Buso Buso, Bugaan West, Bugaan East sa Laurel; Subic Ilaya, Banyaga, Bilibinwang sa Agoncillo; Apacay sa Taal; Luyos, Boot sa Tanauan City; at San Sebastian sa Balete. Sa ngayon, nasa Alert Level 3 ang Bulkang Taal dahil sa magmatic unrest sa main crater.