KINUMPIRMA ng Philippine Army (PA) ngayong Sabado na 124 terorista ang nasawi sa 279 na engkwentro laban sa mga komunista at teroristang grupo sa unang anim na buwan ng 2020.
Ayon kay Army commander Lt. Gen. Gilbert Gapay, 95 iba pa ang nahuli habang 422 na armas ang nasabat sa nasabing operasyon sa gitna ng malaking hamon dulot ng coronavirus diseased (2019) crisis.
Sa isang virtual command conference, pinuri ni Gapay ang kanyang mga field commander para sa kanilang matapang at pambihirang pagganap sa tungkulin
“Moreover, the convergence of efforts of various government agencies, local government units, civil society organizations, local communities, and the security sector have facilitated the surrender of 1,705 terrorists with 378 assorted firearms with the aggressive implementation of the whole-of-nation approach through the National Task Force in Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC),” aniya.
Inilahad din ni Gapay na kasama sa napatay ang siyam na high-profile individual na kinilalang si Central Committee members Julius Soriano Giron, chairman ng Communist Party of the Philippines, at asawa nitong si Anne Margarette Tauli, secretary ng Regional White Area Committee of Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC).
“Our emphasis on our ground unit’s operational readiness enabled us to support and protect the communities from the NPAs amidst the pandemic. The empowerment of our non-commissioned officers, being the backbone of the Army, helped propagate the essence of professionalism down the line. It is all part of our thrust on operational excellence,” paliwanag naman ni Gapay. “All these efforts are part of our commitment to the Filipino people that we are ready to respond even through an unprecedented crisis such as this pandemic, while securing our communities against various threat groups. We will sustain our momentum and we will remain focused on mission effectiveness
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA