UMAKYAT na sa 123 ang namatay dahil sa COVID-19 sa Lungsod ng Malabon matapos tatlong pasyente ang bagong nadagdag sa mga binawian ng buhay sa naturang sakit.
Ayon sa City Health Department hanggang 5pm ng August 7, ang tatlong binawian ng buhay ay mula sa barangays Dampalit, Longos, at Panghulo.
Habang nasa 91 naman ang nadagdag na mga bagong gumaling kung kaya umabot na sa 1,564 ang kabuuang bilang ang mga gumaling sa naturang sakit.
Samantala, 76 ang nadagdag na kompirmadong kaso dahilan upang umakyat na sa 2,294 ang kabuuang bilang ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Malabon, 607 dito ang active cases.
Kaugnay nito, patuloy naman ang isinasagawang misting operation ng Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Office sa kahabaan ng Rosita St., Brgy. Santulan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA