PINASINAYAAN ng BuCor of Corrections (BuCor) ang 120-bed capacity hospital sa loob ng New Bilibid Prison compound sa Muntinlupa City.
Ayon sa BuCor, ang Phase 1 ng pasilidad, na nagkakahalaga ng P187,2 milyon, ay sinimulan noong Agosto 2019 at natapos noong April 2023.
Ang Phase 2 ng proyekto na umabot sa P140 milyon ang halaga ay sinimulan noong Marso 2020 at nagpapatuloy.
“This is a tangible proof that BuCor aims to ensure that quality healthcare remains a fundamental right for all regardless of their circumstance and ensures that patients receive comprehensive care without the need for frequent referrals to external medical centers,” ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr.
Sinabi naman ni BuCor Acting Deputy Director for Reformation Dr. Ma. Cecilia Villanueva, na ang bagong pasilidad ay tanda ng isang makabuluhang hakbang patungo sa pagpapabuti ng healthcare access para sa magkakaibang hanay ng medikal na pangangailangan.
“From medical and surgical cases to dermatological conditions, end-stage renal diseases, tuberculosis, emergency hypertension, and cardio-related cases, the facility is well-equipped to cater to a wide spectrum of health issues,” aniya.
“The new hospital facility can address a broad array of medical conditions, even as complex cases requiring specialized treatments or procedures are seamlessly referred to external healthcare institutions,” dagdag pa niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA