
Tarlac City — Trahedya ang sumalubong sa Tarlac matapos masawi ang labindalawang katao, kabilang ang anim na menor de edad, sa isang karambola ng sasakyan sa Tarlac City Toll Plaza Exit ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) nitong Huwebes.
Ayon kay Marvin Guiang, hepe ng Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), apat na sasakyan ang sangkot sa matinding banggaan: isang bus, isang 18-wheeler truck, isang van (Urvan), at isang crossover SUV.
Bukod sa mga nasawi, mahigit 20 pa ang sugatan sa insidente.
Sa kabila ng trahedya, isang sanggol ang milagrosong nakaligtas, kasama ang driver ng van. Ayon kay Guiang, pawang minor injuries lamang ang tinamo ng mga sakay ng bus.
“Totally crushed po ang dalawang sasakyan na nasandwich. Grabe po ang impact. Talagang wala pong buhay ang karamihan sa loob,” pahayag ni Guiang sa panayam ng Super Radyo dzBB.
Kasama rin sa mga nasawi ang isang mag-asawa na hindi na pinangalanan. Sa kabutihang-palad, ligtas ang kanilang baby na sakay ng isang kotse.
Mabilis namang rumesponde ang pulisya sa lugar para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa sanhi ng karambola. Samantala, ayon sa Tarlac PDRRMO, bumalik na sa normal ang trapiko sa SCTEX matapos ang insidente.
More Stories
Kailan Malilinis ang Pangasinan sa Salot na Sugal?
Islay Bomogao todo-handa para sa IFMA World Championships; target ang tagumpay sa Muay Thai sa Turkey
SSS, Pinalawak ang mga Programang Pautang para sa mga Miyembro at Pensyonado