November 2, 2024

12 BAGONG SENADOR NAIPROKLAMA NA

NAIPROKLAMA na ng Commission on Elections (Comelec) bilang umuupong National Board of Canvassers, ang 12 bagong halal na senador sa katatapos na May 9 elections, sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Nanguna ang aktor na si Robin Padilla na nakakuha ng higit 26 milyong boto.

Sa mga naiproklama, tatlo sa kanila ang first time o unang beses na uupo bilang senador.

Ito ay sina Padilla, Raffy Tulfo, at Mark Villar.

Si senator Jinggoy Estrada ang ika-12 sa nahalal na senador.

Narito ang 12 bagong senador at ang bilang ng kanilang natanggap na boto: Robin Padilla – 26,612,434; Loren Legarda – 24,264,979; Raffy Tulfo – 23,396,954; Sherwin Gatchalian – 20,535,261; Chiz Escudero – 20,271,458; Mark Villar  – 19,475,592;   Alan Peter Cayetano – 19,295,314; Miguel Zubiri – 18,734,336; Joel Villanueva – 18,486,034; JV Ejercito – 15,841,858; Risa Hontiveros – 15,420,807; at Jinggoy Estrada – 15,108,220.

Samantala, dumalo sa proklamasyon si Senator Bong Go habang no-show naman si Pangulong Rodrigo Duterte na imbitado sa nasabing proklamasyon.

Wala rin doon si Vice President Leni Robredo na una nang lumipad patungong United States para sa graduation ng anak na si Jillian.