
PATAY ang isang 12-anyos na lalaki matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Sta. Ana, Manila kahapon.
Naipit sa nasusunog na bahay si Daryl de Jesus, ng Diamante Street, Fabie Estate, Road 4 sa nabanggit na lugar.
Ayon sa Manila Fire Department, nagsimula ang sunog dakong alas-9:30 ng umaga sa loob ng bahay ng biktima.
Ayon sa kaanak ng biktima, nasa loob ng kanyang kwarto ang biktima at hindi agad nakalabas.
Sinubukan sagipin ang naturang bata pero nabigo ito dahil sa lakas ng apoy.
Umabot sa unang alarma ang sunog at naapula matapos ang isang oras.
Nakuha ang mga labi ng bata sa isinagawang mopping operation matapos ang sunog.


Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng short circuit ang speaker na naging dahilan ng sunog.
Hindi naman nadamay sa sunog ang mga katabing bahay.
Inaalam pa kung magkano ang danyos ng nasabing sunog.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon