January 23, 2025

‘Great Green Wall’ pang-matagalang solusyon sa pagpigil sa tubig-baha

Magandang araw sa inyo, mga Ka-Sampaguita. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan.

Halos taun-taon na lang ay sinasalanta tayo ng kalamidad. Kabilang na rito ang bagyo at lindol.

Hindi man natin ramdam, halos araw-araw lumilindol. Tungkol naman sa bagyo, sinabi ng mga ekperto natin sa weather forecast, na nasa 20 bagyo ang bumibisita sa atin kada taon.

Siyempre, may ulan yan. Pag malakas ang ulan, babaha. May ilang pook sa bansa ang binabaha. Kailan pa ba matututo ang iba?

Hindi sapat ang preparasyon lang. Kundi, ang mga gamit nakakailanganin dito. Yung sa lugar na binabaha, dapat magkaroon ng rubber boats o mismong Bangka. Na magagamit sa rescue operations at paglikas ng ating mga kababayan.

Hindi lamang ulan ang dapat sisihin sa pagbaha. Kundi ang ilang aktibidades na naggiging sanhi  nito. Kagaya ng walang habas na ngapuputol ng mga puno, iligal na pagmimina.

Gayundin ang quarrying. Hindi rin uubra ang dredging dahil aapaw at aagos din ang tubig sa ilog kapag sobrang lakas ng presyur ng tubig.

Sa gayun ay hindi basta-basta babahain at lulubog sab aha ang ilang lugar. Kagaya nang nangyari sa Cagayan Valley, Marikina at sa Rizal.

Kailangan natin ng maraming armas. Isa sa nakikita nating solusyon. Ito ay ang ‘Great Barrier of Trees’. Nagsisilbi itong pader sa mga bundok at mga ilog. Kapag maraming puno, maraming sisipsip sa tubig-baha.

Bukod dito, gaganda ang kalidad ng hangin (oxygen). Magkakaroon pa ng tahanan ang mga ibon.Gayundin ng makukuhang bungangkahoy. Nakakatulong pa sa paglala ng climate change.

Ang konseptong ito ay ginawa ng China at Africa. Ang layun nila sa ganito ay upang pagandahin ang disyerto. Gayundin ang pagpigil sa baha.

TInawag na ‘Great Green Wall’ ng China ang proyekto nilang ito. Bukod sa napipigilan ang dust storms at sand storms, napipigilan din nito ang baha.

Ang siste, magtanim ng maraming puno sa dam, sa tabing dagat ( sa bahaging peninsula at look), sa paligid ng bundok, kagubatan at sa pangunahing kalsada. Mas maigi ang mga de-kalidad na puno na hindi basta-basta mapababagsak ng bugso ng bagyo.

Style ziggurat ang gagawin. Pehado, pang long term ito at tipid pa ang gobyerno sa gastos. Di ba? Para marami ang magtanim, maglaan ng pondo ang gobyerno.

Puwesto, may extrang pagkakatitaan pa ang mga kababayan natin.

Babayaran nila ang magtatanim. Babayaran sila depende sa punong itatanim nilang binhi puno. Pinakamahal ay P20.00 at P5.00 pinakamura.

Kung pasibol na ang puno o may tumubo na, P30.00 hanggang P50.00 ang presyo. Pinakamahal ang molave at narra, P60.00.

‘Yung volunteer, o kusang magtatanim ng puno ng walang bayad ay bayaran sa pagbabantay ng puno. Para pag lumaki, di putulin ng mga sakim.

Itatanim ang mga puno sa sementadong ziggurat na may lupa ang surface. Di ba, makatitipid pa ang gobyerno. Pwede na siguro ang P200 million pondo rito kada taon. Okay ba ang naiisip ko, mga kababayan? Adios Amorsekos.