January 24, 2025

Paete wood carving industry, unti-unting bumabangon sa epekto ng COVID-19

KINAPANAYAM ni Presidential Communications Operation Office (PCSO) Secretary Martin Andanar si Paete, Laguna Vice Mayor Aurelio Paraiso kaugnay sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya ng munisipalidad sa gitna ng epekto ng COVID-19 pandemic.

DAHIL sa bumaba ang bilang ng tao na pumupunta sa bayan ng Paete sa Laguna gawa ng banta ng COVID-19, sinabi ni Vice Mayor Aurelio Paraiso na mabibili na ang mga produkto ng mga wood carvers sa pamamagitan ng online.

Sa isang panayam noon Lunes, sinabi niya na ang pagbebenta ng kanilang produkto at service online ay malaking tulong upang maibangon ang kabuhayan ng kanyang nasasakupan, lalo na’t malapit na ang Christmas season at maraming tumatangkilik sa kanilang pandekorasyon na produkto.

“Medyo nakakabangon na nang paunti-unti ang ekonomiya ng bayan ng Paete [The economy of Paete is gradually recovering],” saad niya sa Network Briefing News kasama ang host na si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.


Nabanggit din niya na kanilang minomonitor ang sitwasyon ng kanilang sea-based at overseas Filipino workers, na apektado ng travel restrictions upang balikan ang kanilang trabaho sa ibang bansa.

Kilala ang Paete bilang wood carving capital sa Pilipinas at patuloy na bumabangon sa kabila ng pandemya, habang ang lokal na pamahalaan ay patuloy na umaalalay sa kanila.

“Nagbigay po ng ayuda ang pamahalaang bayan dun sa mga small and medium entrepreneurs ng puhunan na walang tubo para unti-unting makabangon yung ating mga maliliit na nagnenegosyo,” dagdag ni Vice Mayor Aurelio.


Mga magsasaka sa Visayas na tinamaan ng bagyo nakatanggap ng tulong mula sa DA


Sa kaparehong episode, iniulat ni Office of the Presidential Adviser for the Visayas (OPAV) Assistant Secretary Jonji Gonzales ang mga inisyatibo ng Department of Agriculture (DA) sa buong isla ng Visayas.

Aniya na ang regional counterpart ngg DA ay patuloy na ipinatutupad ang kanilang programa sa mga benepisyaryo na magsasaka, partikular sa mga lugar na tinamaan ng bagyo gaya ng Iloilo, bilang bahagi ng Typhoon Ursula Rehabilitation Program ng DA – Western Visayas.

Ang nasabing programa ay nanggaling sa ilalim ng quick response fund ng ahensiya.

 “The program aims to distribute 2, 695 heads of native chicken. Inaasahang makukumpleto ng DA ang distribusyon ng mga ito under the DA quick response fund for Typhoon Ursula before the end of the year,” saad ni Asec. Gonzales.

Ipinamahagi ang livestrock sa mga bayan ng Batad, Conception at Estancia.

Samantala, sa Central Visayasm itunurn-over ng DA ang mga makinarya sa pagsasaka at hybrid rice seeds sa mga magsasaka sa Jagna, Bohol.

Namahagi rin ang DA-7 ng 4 na unit ng Pump Irrigation System Open Source (PISOS) na kompleto sa mga pump at engine sets at pipes. Kasama rin ditto ang isang unit ng hand tractor.

Ayon kay Asec. Gonzales, ang munisipalidad ng Jagna ay isa sa mga LGUs na tumugon sa hamon ni DA Secretary William Dar na paramihin ang produksyon ng pagsasaka ng hindi bababa sa 10%.