Arestado ang labing-isang hinihinalang drug personalities sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Eforcement Unit (SDEU) head PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na si Dexter Edubas, 34, Edgar Gozo, 28, Ariel Magrilos, 34, Jumi Lopez, 39, Roderick Tiña, 41, Eric Cacabilos, 31, Romie Jamilo, 29, Angelo Delos Reyes, 35, Eleazar Orcullo, 42, at Ron Dexter Ganacan31.
Ayon kay SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 2:45 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr. ang buy bust operation sa No. 0064 A3 (A) D Bonifacio St. Brgy. Canumay East.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Edubas at Gozo matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer habang naaktuhan naman ng mga operatiba na sumisinghot ng shabu ang iba pang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P74,800 ang halaga, buy bust money, 10 pirasong P100 cash, apat na cellphones, digital weighing scale at ilang drug paraphernalia.
Nauna rito, dakong 9:10 ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU na sina PSSg Luis Alojacin at PCpl Isagani Manait sa buy-bust operation sa Lorex St. Gen. T De Leon si John Armel Oliveros, 28 ng El Grande Homes Gen. T De Leon.
Ani SDEU investigator PCpl Christopher Quiao, narekober sa suspek ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang P500 bill, 3 pirasong P500 at 8 pirasong P1,000 boodle money, P500 cash, cellphone, itim na sling bag, Yamaha motorcycle at helmet.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA