Patuloy ang pagningning ni PH karateka James De los Santos sa e-Tournament. Katunayan, nasipa nito ang 10th gold medal ngayong taon.
Naghari si James sa second leg ng E-Karate World Series. Nagwagi ang 30-anyos na online karate senasation sa semis at final round.
Ito’y bunsod ng technicalities pagkatapos na ang ilang videos ni Domont Matias Moreno ng Switzerland ay ni-reject ng hurado.
Ganito rin ang nangyari sa video ni Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa. Noong nakaraang February 14, nagwagi rin si De los Santos sa first leg nang talunin si Moreno sa final.
Nakamig niyang lahat ng 4 na legs ng E-Karate. Kung saan, naidagdag ang mga medals sa kabuuan niyang 36-gold haul.
I’m very happy to clinch my 10th gold for the year 2021. There are more tournaments to come this year and I’ll continue to maintain my No. 1 spot,” ani De los Santos.
More Stories
Reyes ‘di sinanto ang mga kalaban sa 2025 Santa Maria Town Fiesta Chess Challenge
STRONG GROUP ATHLETICS HINDI LALARO SA BRONZE MATCH DAHIL SA NANGYARING LUTUAN?
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game