December 24, 2024

10TH CAMI CLARK GOLF CUP IDINAOS SA CLARK

10TH CAMI CLARK GOLF CUP CHAMPIONS. Itinanghal si Kristian Michael Sade (ika-anim) mula kaliwa bilang Grand Champion sa idinaos na CAMI Clark Golf Cup ngayong taon na ginanap noong Abril 19 sa Mimosa Golf Course sa Clark Freeport Zone, Philippines. Kasama rin sa larawan ay sina Class A Champion Vincent Encarnacion, Class B Champion Patricia Hizon, Class C Champion Joan Cruz at runner-up winners na sina Jera Sison, Kerwin Ong at Mary Ann Martinez. Makikita rin sa larawan sina CAMI journalists Ashley Manabat, Precy Pintor Cunanan, Ric Sapnu, Vice-President Mer Layson at Treasurer Abel Cruz. Sa pinaka-kanan naman ay si dating Mayor Tito Mendiola.

MATAGUMPAY na naidaos ng Campangan in Media Inc. (CAMI), sa pakikipagtulungan ng Clark Development Corporation (CDC) at Quest Plus Hotel and Conference Center Clark noong Abril 19 ang 10th CAMI Clark Golf Cup (2024) sa Mimosa Golf Course sa Clark Freeport Zone Philippines.

Pinangunahan nina Chairman Arsenio “Arni” N. Valdez ng Juan D. Nepomuceno (JDN) Realty at dating Mayor Tito Mendiola (regular players) ang ceremonial tee off.

Habang ang lead sponsors para sa naturang golf tournament ngayong taon ay ang RASLAG Corporation (platinum), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)-gold at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)-gold.

Ang silver sponsors naman para sa 10th CAMI Clark Golf Cup ay ang mga sumusunod: MERALCO, BPI, SM Investment Corporation, Mileage Asia (CHERRYLUME), GCASH at Vista Mall.

Ang bronze sponsors ay kinabibilangan ng Filinvest, Clark Water, DBP at Chevron. Special sponsors naman sina Senator Win Gatchalian, Roger M Garcia, Hon. Marino Morales at PGen Oscar David Albayalde.

Itinanghal si Kristian Michael Sade bilang Grand Champion ng taunang CAMI Clark Golf Cup ngayong taon. Nagwagi rin sina Vincent Encarnacion (Class A Champion), Patricia Hizon (Class B Champion), Joan Cruz (Class C Champion) at runner-up winners na sina Jera Sison, Kerwin Ong at Mary Ann Martinez.

Layon ng CAMI golf event na makalikom ng pondo para sa mga proyekto at programa ng organisasyon kabilang na ang medical at wellness program para sa mga miyembro nito at indigents, book publication program at ang regular media forum (Balitaan Bale Balita) activity.

Ang CAMI ay isang non-profit organization ng mga kagalang-galang na mamamahayag na nakabase sa Metro Manila at Metro Clark, kasama sina Nonnie Pelayo – Chairman, Vittorio “Vot” Vitug – President, Mer Layson – Vice President,  Robert Mananquil – President, Abel Cruz – Treasurer at Ric Sapnu – Auditor.