Tapos nang mabakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 10,189 healthcare workers (HCWs) sa Pasig City.
Sa isang Facebook post, sinabi ng pamahalaang lungsod na ang mga nasabing nabakunahan na HCWs ay mula sa iba’t ibang ospital, COVID-19 referral centers, Centralized Qurantine Facility at barangay health centers.
Umabot sa 6,640 ang naturukan ng AstraZeneca vaccines habang 3,549 naman sa Sinovac na gawa ng China nang simulan ng siyudad ang vaccination drive nitong unang linggo ng Marso. “We are still in the process of vaccinating our healthcare workers who are the topmost priority for the Vaccination Program as set by the Department of Health. If you belong to other priority groups, please wait for further announcements concerning your group,” ayon sa lokal na pamahalaan.
Una nang sinabi ni Mayor Vico Sotto na malapit nang mapuno ang COVID-bed capacity ng kanilang pampubliko at pribadong ospital.
Muli rin niyang ipinaalala sa mga residente na manatili sa bahay kung maari at sundin ang health protocols dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.
Nangangailangan din ang siyudad ng 30 nurse sa COVID-19 referral center sa Pasig City Children’s Hospital.
Maaring mag-apply online ang mga healthcare professionals. Ipadala lamang ang kanilang resume at at Professional Regulation Commission license sa [email protected], na may subject format: Application_Nurse for the COVID 19 Referral Center_Last name (example: Application_Nurse for the COVID 19 Referral Center_dela Cruz).
Makakatanggap ng salary na P2,500 bawat duty ang matatanggap na aplikante. Bibigyan din sila ng libreng personal protective equipment at accommodation.
Para sa iba pang katanungan, maaring tumwag ang mga aplikante sa hotline number 8643-222 local 611.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON