
Naaresto ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kabuuang 1,064 indibidwal na sangkot sa iba’t ibang krimen sa isinagawang 937 operasyon sa buong bansa nitong buwan ng Mayo.
Ayon kay CIDG Officer-in-Charge, PCol. Ranie P. Hachuela, kabilang sa mga inaresto ay 16 na dayuhang suspek, isang Most Wanted Person with Reward, 105 Regional Most Wanted Persons, 83 Provincial Most Wanted Persons, at anim na miyembro ng mga criminal gang at communist terrorist group.
Maliban sa mga naaresto, nasamsam din sa operasyon ang 99 loose firearms, 41 pampasabog, 732 iba’t ibang magazine, 1,064 bala, at mga ebidensiyang tinatayang nagkakahalaga ng P170.7 milyon.
Ang malawakang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng Oplan Pagtugis at Salikop, bilang tugon sa direktiba ni PNP Chief General Nicolas Torre III na paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na aktibidad.
“Ipinag-utos ni Gen. Torre ang mas masigasig na operasyon upang matiyak ang seguridad ng publiko at mapanagot ang mga lumalabag sa batas,” ayon kay Hachuela.
Samantala, pinuri naman ni Gen. Torre ang CIDG sa matagumpay na operasyon.
“I commend the men and women of CIDG for this month’s very good harvest. It underscores our unyielding fight against all forms of criminalities and violations of law,” ani ng hepe ng PNP.
Patuloy namang nananawagan ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa buong bansa.
More Stories
Mayor Kit Nieto, Naghain ng Solusyon sa Paulit-ulit na Baha sa Celso Tuason Avenue
4 TIMBOG SA ₱3.4M DROGA SA RODRIGUEZ, RIZAL
‘WALANG ATRASAN!’ — KAMARA DI BIBITAW SA IMPEACHMENT KAY VP SARA!