AABOT sa 106 Navoteños ang naging kwalipikado bilang skilled workers matapos nilang makumpleto ang technical-vocational education and training sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.
Sa bilang na ito, 22 ang nakatapos mula sa Shielded Metal Arc Welding NC II; 24, ang Food and Beverage Services NC II; 23, ang Bread and Pastry Production NC II; anim, ang Tailoring NC II; at pito ang Perform Manicure and Pedicure Leading to Beauty Care NC II.
Saka, 10 trainees ang nakatapos ng Basic Korean Language and Culture, habang 14 iba pa ang naka-kumpleto ng Basic Visual Graphic Design course.
“We congratulate all our graduates and commend them for taking the opportunity to upgrade their skills and improve their abilities. We will have more and numerous employment opportunities once our 343-hectare Tanza Airport Support Services have been completed,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Visit our NavotaAs Hanapbuhay Center if you need assistance looking for jobs or starting your own business. We have various programs tailored to helping Navoteños secure gainful employment and sustainable livelihood,” dagdag niya.
Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas sa mga Navoteño at non-Navoteño trainees. Maaring mag-aral ng libre ang mga residente sa institute habang ang mga hindi residente ay maaaring magpatala at kumuha ng assessment exams nang may bayad, depende sa kursong kukunin nila.
Samantala, sinabi naman ni Congressman John Rey Tiangco na ang national-funded scholarships tulad ng Training for Work Scholarship Program at Special Training for Employment Program ay patuloy na iniaalok sa mga Navoteño tech-voc trainees.
“Aside from the free courses, eligible trainees can also avail of scholarships that provide allowances and tool kits. We hope that more Navotenos will grab the opportunity to learn and benefit from these programs,” aniya.
Noong nakaraang buwan, malugod na tinanggap ng lungsod ang 86 bagong skilled workers na naka-kumpleto ng iba’t-ibang kurso sa NAVOTAAS Institute.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA