GINAPI at malaya na ngayon sa COVID-19 ang isang 106-anyos na lalaki sa Barangay Irisan, Baguio City.
Siya ang pinakamatandang Filipino na nahawa at nakarekober sa coronavirus, ayon sa Baguio City Health Office.
Sinabi ni Dr. Rowena Galpo, health officer ng Baguio City, nakalabas ngayong Martes, Oktubre 20, ang centenarian mula sa Baguio General Hospital.
“He was admitted 11 days ago and although he exhibited mild symptoms, he was immediately admitted to BGH because of his age,” ayon kay Galpo.
Sa kasalukuyan ay may 589 na aktibong kaso ang Baguio City.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda