MASAYANG inihayag ni Mayor Toby Tiangco na 102 ang nadagdag sa talaan ng mga gumaling sa COVID-19 sa Navotas City habang sa kabila nito ay ikinalungkot naman niya dahil isa din ang namatay dahil sa nasabing sakit kahapon, Agosto 7.
Kahapon din, 278 ang dumating na resulta ng COVID testing na isinagawa noong Hulyo 31 at sa bilang na ito ay 30 ang bagong kumpirmadong kaso at 247 naman ang nag-negatibo.
Patuloy ang paalala ng pamahalaang lungsod sa mga nagnegatibo na huwag maging kampante dahil negatibo ka man ngayon, bukas maaari kang mahawaan.
“Mahigpit pa rin po nating ipatutupad ang stay home policy. Kaya po nagpapatupad tayo ng curfew at schedule ng paglabas at pagbili ng mga pangangailangan. Hanggang maaari, kung wala namang kailangang gawin, manatili po sa bahay. Ito ang pinakauna nating proteksyon mula sa COVID-19,” ani Tiangco.
Ayon pa sa alkalde, kung hindi talaga maiiwasan ay siguruhing protektado kapag lalabas at sumunod sa mga safety measures dahil sariling buhay at buhay ng sariling pamilya ang nakataya.
Sa pinakahuling tala, 3,068 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas. 1,675 ang active cases, 1,292 ang gumaling na at 101 na ang namamatay.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?