Pinalawig ni Senator Richard J. Gordin ang tulong sa 1,000 inmates, o mas kilala bilang persons deprived of liberty (PDLs), sa Laguna City Jail sa pamamagitan ng pagbibigay ng COVID-19 vaccines na magpoprotekta sa kanila laban sa virus.
Pinakilos ni Gordon, na siyang chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights, ang mga volunteer ng Philippine Red Cross na kanyang pinamumunuan na mabakunahan ang mga PDLs na karapat-dapat ding tratuhin nang maayos sa kabila ng kanilang pagkakabilanggo.
“Regardless of the current challenges we are facing during this pandemic, we also need to look after the health of these PDLs as part of our humanitarian response to protect them from contracting the deadly virus,” saad niya.
Tinugunan din kamakailan lang ni Gordon ang panawagan ng ilang PDLs sa Davao Prison and Penal Farm na apektado ng diarrhea outbreak dulot ng kontaminadong tubig sa lugar.
Sa ilalim ng kanyang liderato, nagbigay ang PRC volunteers ng mga kinakailangan na kagamitan at iba pang materyales para maihatid ang malinis tubig sa madaling panahon.
Si Gordon, na kilalang human rights champion, ay patuloy na itinutulak ang pagtugon sa kaawa-awang kalagayan ng mga PDL na nakapiit sa masikip na kulungan at correctional facilities sa bansa.
More Stories
PBBM nireorganisa NSC… VP SARA, MGA DATING PANGULO OUT!
POC busy na para sa 1st Winter Olympics Harbin Games – Tolentino
Iwas pila… NAVOTAS ISINUSULONG ANG ONLINE BUSINESS PERMITS