Sa layuning mapaluwag ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, inilipat ang tinatayang 100 persons deprived liberty (PDLs) kamakalawa sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Bureau of Correction Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ineskortan ang 100 PDLs ng 30 correction officers katuwang ang BuCor SWAT, Philippine National Police at South Luzon Expressway Patrol.
Sa nabanggit na bilang, 20 PDLs ay mula sa Reception and Diagnostic Center at 80 mula sa Medium Security Camp. Umalis sila sa NBP noong Sabado ng gabi at dumating ng ligtas sa SPPF kahapon ng umaga.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA