November 18, 2024

10 YUNIT NG BAGONG AMBULANSIYA IPINAGKALOOB SA BULACAN HOSPITAL, HEALTH OFFICE NG PROV’L GOV’T

Upang matiyak na magkakaroon ng maayos na emergency medical services ang mga Bulakenyos, nagkaloob ang provincial government ng sampung ambulansiya sa iba’t ibang district hospital at health offices sa naturang lalawigan.

Ayon kay Governor Daniel Fernando kabilang sa nakatanggap ng bagong emergency vehicles na binili ng pamahalaang panlalawigan ay ang Bulacan Medical Center, Baliuag District Hospital, Emilio G. Perez Memorial District Hospital, Gregorio del Pilar District Hospital, at iba pa.

Samantala, ang Felix T.Reyes Memorial Hospital sa Barangay Pamarawan sa Malolos, Bulacan at Calumpit Distric Hospital ay nakatanggap ng tig-isang refurbished ambulances mula Gyeonggi Province sa South Korea.

Tiniyak ni Fernando sa publiko na ipagpapatuloy ni pamahalaang panlalawigan na i-upgrade ang hospital facilities at medical equipment upang matugunan ang tumataas na healthcare demands sa lalawigan.

“Ang pagkakaloob ng mga bagong ambulansya sa ating mga district hospital ay bahagi ng ating walang humpay na pagsusumikap na tiyakin ang mabilis at maayos na paghatid ng serbisyong medikal, lalo na sa oras ng mga emergency. Sana po ay pag-ingatan natin ang mga ito,” ayon sa gobernador.