Pipihit n si Pinoy chess whiz Candidate Master (CM) Al-Basher Buto sa pagpihit ng National Chess Federation of the Philippines Grandfinals.
Sasalang ang binansagang ‘Basty’ sa 10-under division onlines chess tilt ngayong araw sa Tornelo flatform.
Ang 10-anyos na si Buto ay pupil sa Faith Christian School sa Cainta, Rizal, ay nakapaglista ng 8 points out of nine. Kaya naman, bumida siya boys under category noong nakaraang Sabado.
“I have to train hard for this event, give my best, and give a good show,” ani Buto na nasa paggbay ni American chess coach Dave Fenton.
Ang magka-kampeon sa grand finals ay kakatawan sa bansa sa 2020 World online Chess Cadet & Youth Championship. Ito ang sinabi ni NCFP executive director Atty. Cliburn Anthony Orbe.
Si Basty ay isa ring vlogger sa Youtube. Kung saan, nagbibigay siya ng tips tungkol sa chess tricks at moves.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo