
Camp Crame, Quezon City — Sampung (10) miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Southern Metro Manila District Field Unit ang ipinasailalim sa restrictive custody at ikinulong matapos madawit sa kasong kidnapping at robbery extortion, ayon mismo sa utos ni CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, kaagad na kumilos si Gen. Torre matapos matanggap noong Lunes, Abril 28, ang ulat mula sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).
Batay sa paunang imbestigasyon, sinalakay ng mga nasabing pulis ang isang bodega sa First Tondo Complex, Tondo, Manila noong Pebrero 17, 2025, dahil umano sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition. Dinala umano nila ang mga target sa CIDG office sa Taguig City.
Pero hindi pa rito nagtapos ang isyu — sapilitang humingi umano ng pera ang mga operatiba kapalit ng pagpapalaya sa mga dinakip, ayon sa ulat ng IMEG.
Noong Abril 21, inirekomenda na ang administratibong kaso laban sa mga sangkot na pulis para sa grave misconduct, conduct unbecoming of a police officer, at neglect of duty.
Kaagad namang binawi ang mga baril at badge ng mga suspek at isinuko sa CIDG NCR Logistics Section.
Mariing sinabi ni Gen. Torre, “Hindi ko papayagan at ito-tolerate ang ganitong klaseng kalokohan sa CIDG.”
More Stories
Kailan Malilinis ang Pangasinan sa Salot na Sugal?
Islay Bomogao todo-handa para sa IFMA World Championships; target ang tagumpay sa Muay Thai sa Turkey
SSS, Pinalawak ang mga Programang Pautang para sa mga Miyembro at Pensyonado