Nasawi ang 10 indibidwal sa naganap na sunog kaninang umaga sa Muntinlupa City.
Kabilang sa mga nasawi ay ang limang taong gulang na sanggol.
Batay sa ulat ang mga nasawi ay na trapped sa kanilang bahay sa may bahagi ng Bruger St. sa Barangay Putatan kung saan nagsimula ang sunog.
Ayon kay Fire Supt. Eugene Briones, naiulat ang sunog na nasa first alarm bandang alas-9:02 kaninang umaga at nadeklarang fire under control bandang alas-9:25 ng umaga.
Sinabi ni Briones, isang bahay lang ang sangkot sa sunog at ang mga biktima ay magkakamag-anak.
Ikinalungkot naman ni Muntinlupa City Mayor Rufy Biazon ang insidente.
Sa ngayon patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog.
Sinabi ni Biazon na ongoing ang assessment ng Social Services Department at ipinag-utos nito ang agarang pagbibigay ng tulong sa lahat ng apektado, lalo sa pamilya ng mga binawian ng buhay.
” Nakikiramay po ako at ang buong Pamahalaang Lungsod sa pamilya ng mga pumanaw sa sunog na ito. Nakakalungkot dahil magpapasko pa naman. Sa mga kapwa ko Muntinlupeño, ipagdasal natin ang mga kababayan nating naapektuhan ng sunog. Mabigat sa loob ang pangyayaring ito kaya hiling ko ang pagtutulungan natin,” pahayag ni Mayor Biazon.
More Stories
IKA-85 ANIBERSARYO NG QCPD IPINAGDIWANG
DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET
Bachmann ng PSC, Reyes ng PCSO papalo sa Plaridel golfest