November 3, 2024

10 nadakma sa ilegal na droga sa Valenzuela

Nadakip sina Arnulfo Abareco, Ricardo Rivas, Ronald Paraan, Neil Bryan Ella, Reselino Acaso, Remy Jaen, Fredie Merin at Cecilia Richard Reyes sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela Police sa Barangay Mapulang Lupa sa nabanggit na siyudad. RIC ROLDAN

ARESTADO ang walong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang dalaga sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Reselino Acaso, 50, Fredie Merin, 39, Cecilia Richard Reyes, 18, Neil Bryan Ella, 33, Remy Jaen Jr., 39, Ronald Paraan, 36, Arnulfo Abareco, 47, at Ricardo Rivas, 25.

Sa imbestigasyon ni PSSg Ana Liza V Antonio, alas-1:30 ng Martes ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Ronald Sanchez sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega ang buy-bust operation sa Room No.  5 Garden Inn, sa Brgy. Paso De Blas na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan naaktuhang nagsa-shabu ang iba sa kanila.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 20 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P136,000 ang halaga, P1,000 buy-bust money, P7,570 bill, 7 cellphones, ilang drug paraphernalia, 5 unit ng motosiklo, bisikleta, at isang kulay green na Toyota Vios (VL 1018).

Samantala,  natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation bandang alas-5:45ng hapon sa 31 Constantino Drive, Marulas si Roland James Jaime alyas Kipo, 25, at Carlo Ivan Arboleda, 35.

Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, narekober sa mgasuspek ang aabot sa 20 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P136,000 ang halaga,P500 buy-bust money, cellphone, digital weighing scale at P250 cash.