HINDI bababa sa sampung delivery driver ang nagkumpulan sa harap ng isang bahay sa Pilar Village, Las Piñas City at nagpahayag ng pagkadismaya matapos silang ma-scam.
Anila, isang nagngangalang “AJ Pande” ang nagawa silang lokohin gamit ang food delivery service app.
Ayon sa saksing si Natalie dela Cruz, na siyang nag-post ng insidente sa kanyang Facebook account, gumamit daw itong si AJ ng iba’t ibang contact number pero iisa lamang ang address para magpa-deliver ng pagkain.
“Nakwento sa ‘kin ng mga rider na pinick up po nila sa seller ‘yung order ni AJ Pande. Paiba-iba ‘yung contact number na binigay ni AJ pero same address,” ayon kay Natalie.
Nang dumating ang mga deliver rider sa ibinigay na address, napag-alaman nila na walang “AJ Pande” na nakatira sa naturang bahay.
“Wala daw pong AJ Pande na nakatira sa [nakalagay na address]. Senior ang lumalabas sa bahay na iyon,” ani ni Natalie.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ang insidente sa gitna ng quarantine period. Noong Mayo, iba’t ibang delivery rider at may-ari ng resto ang nabiktima rin ng ganitong scam na nagpahayag ng pagkadismaya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY