
MAGKAKASAMANG isinelda ang pitong suspek, kabilang ang isang babae na sangkot sa pambubugbog sa dalawang lalaki na ikinasawi ng isa matapos madakip sa follow-up operation ng pulisya sa Malabon City.
Unang nadakip ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan, ilang oras lang makaraang ang krimen, sina alyas “John”, 32, alyas “Ryan” 34, alyas “Emilio”, 42, ang criminology student na si alyas “Arjay” 18, at alyas “Jojo”,41, pawang naninirahan sa M.H. Del Pilar St. Brgy. Maysilo..
Positibo silang kinilala ng mga testigo na sangkot sa pagpatay kay alyas “Cristan”, 22, residente ng Sitio Rosal St. Brgy. Catmon at malubhang pagkasugat ng kanyang kasama at kapitbahay na si alyas “Vincent”, 25, na nakaratay at kasalukuyan pang ino-obserbahan sa San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital.
Ayon kay Col. Baybayan, nangyari ang krimen noong Biyernes, dakong alas-4:30 ng madaling araw sa Jacobe Compound, M.H. Del Pilar, Brgy. Maysilo, nang pagtulungang pagbubugbugin ng mga suspek ang dalawang biktima dahil sa umano’y matagal ng alitan.
Karamihan sa mga suspek ay pawang magkakamag-anak na may iisang tirahan kaya agad na naaresto ng pulisya ang lima habang sumunod ding nadakip sa follow-up operation ang isa pa nilang kaanak na si alyas “Rosalyn” 40, at helper na si alyas “Mark” 22, kapwa ng Mabolo Road, Brgy. Potrero.
Sinampahan na ng mga tauhan ni Col. Baybayan ang mga suspek ng kasong murder at frustrated murder sa Malabon City Prosecutor’s Office.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN