December 24, 2024

1 sundalo patay, 4 sugatan sa pagsabog sa Maguindanao


PATAY ang isang marine habang apat ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Datu Hoffer sa lalawigan ng Maguindanao, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si PFC Rhyll B. Angot.

Ayon sa militar, lulan ng military truck ang mga miyembro ng Marine Battalion Landing Team-5 nang sumabog ang isang anti-personnel mine.

Naniniwala ang militar na terorista ang may pakana ng naturang pag-atake.

“This horrendous act perpetrated by the terrorists is simply unacceptable,” ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Western Mindanao Command chief.

“We will exhaust every available resource to bring the perpetrators to justice,”  dagdag pa nito.

Inatasan na rin ni Philippine National Police Chief General Camilo Cascolan si Regional Director Police Brigadier General Samuel Rodriguez na magsagawa ng pursuit operation laban sa mga nasa likod ng pagsabog.

Ayon sa field reports,  galing sa military operation ang mga tauhan ng Philippine Marines laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighter  sa Barangay Salman nang maganap ang insidente.