Inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na isa sa 79 na mga biyaherong dumating sa Pilipinas galing United Kingdom ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pero sinabi ni Duque, hindi pa tiyak sa ngayon kung bagong variant ng COVID-19 ang dumapo sa nasabing biyahero.
Paglalahad ng kalihim, kasama ang pasyente sa mga dumating sa bansa mula noong Disyembre 22.
Sa nasabing bilang ng mga biyahero, 72 ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), habang ang nalalabing pito ay lumapag sa Clark International Airport.
Kaugnay nito, sa 59 tests results aniya na iniulat noong Biyernes, 53 ang nagnegatibo habang nakabinbin pa ang resulta ng 23 iba pa.
“Pero ‘yung testing po nito, hindi po nangangahulugan na ito na ‘yung new variant dahil magasasagawa pa pong pagsusuri ang atin pong mga eksperto mula sa Philippine Genome Center,” wika ni Duque sa isang live briefing.
Dagdag pa ng kalihim, batay sa kasalukuyang ebidensya, 70% mas nakahahawa ang bagong COVID-19 strain.
“Ngunit, wall pa pong indikasyon na ang virus na ito ay nagdudulot ng mas malubhang karamdaman at maapektuhan nito ang patalab ng bagong bakuna kontra COVID,” ani Duque.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA