
INIULAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pinoy ang namatay sa wildfires sa Hawaii.
Kinilala ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega ang nasawing Filipino na si Alfredo Galinato.
“He was a naturalized US (United States) Citizen from Ilocos. We are assisting the family,” saad niya.
Dagdag pa ng opisyal, umabot sa 66 Pinoy ang tinutulungan ng Philippine Consul General in Honolulu sa Wailuku na apektado ng sunog sa Mauwi.
Naganap ang wildfire sa Maui isang linggo na ang nakakalipas at inabo ang isang isa sa most celebrated island vistas sa bansa. Umabot sa 110 katao ang nasawi at nagbabala ang mga opisyal na posible pa itong tumaas habang patuloy ang pagsasagawa ng search operation.
More Stories
BATO BALAK BISITAHIN SI DUTERTE SA THE HAGUE: MAGWI-WIG AKO
PAMILYA MUNA
Arrival honors ng bagong QCPD chief ginanap sa Camp Karingal