December 25, 2024

1 PATAY SA SUNOG SA NAVOTAS

ISANG ginang ang nasawi habang umabot naman sa 169 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Navotas City, Biyernes ng umaga.

Base sa ulat ng Navotas City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-7:30 ng umaga nang biglang sumiklab ang apoy sa isang residentential area sa Brgy. San Rafael Village (SRV).

Mabilis na kumalat ang apoy sa magkakadikit na mga kabahayan na pawang gawa sa lights materials kaya’t agad itinaas ng BFP sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fireout dakong alas-9 ng umaga.

Ayon sa BFP, isa ang napaulat na namatay na kinilalang si Madel Santos, 50 habang 169 pamilya naman ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang 70 kabahayan.

Kaagad namang nagpadala si Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ng tulong sa mga biktima ng sunog na pansamantalang SRV Elementary school.

“Our social welfare office, in coordination with Brgy. SRV, has provided hot meals for the families and will give each with blankets, mats and other essential items.” pahayag ni Mayor Tiangco.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at inaalam pa kung magkano ang halaga ng naging pinsala nito sa ari-arian.