
Naihatid na sa Ormoc City ang cadaver ng naipit sa lumubog na RoRo/passenger ship na MV Lite Ferry 3 para sa funeral services.
Habang nai-turn over naman ang 15 survivors sa Ormoc City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) para sa medical assistance.
Una rito, nagka-aberya ang vessel habang sinusubukan nitong makadaong sa Ormoc Port, Ormoc City, Leyte bandang alas-11:50 p.m.
Agad naman itong narespondehan ng PCG at sa ganap na alas-12:05 ng hatinggabi ay sinimulan ang search and rescue operation.
Nabatid na ang biktimang si Raquel Alo, 33, ay natabunan ng cargo, kaya hindi na nagawang makalabas pa sa lumubog na RoRo.
Ayon kay PCG spokesman Commodore Armand Balilo, pinagsusumite na nila ng report ang kapitan ng vessel, bilang bahagi ng standard operating procedure sa marine incidents.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
QC Todo na sa Kalikasan! Fashion Show, Tree Giveaway at Plastic Ban, Tampok sa Earth Day 2025
REBELDE NA NANUNOG NG SIMBAHAN SA ILIGAN, ARETADO SA BUKIDNON