BUENAVISTA, QUEZON – Patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit Citizen Auxilliary (CAA-CAFGU) habang sugatan naman ang isang sundalo at isa pang CAA-Cafgu na mga miyembro ng 85th Infantry Batallion (IB) ng tambangan ng mga pinaghihinalaang mga miyembro ng Communist National Terrorist (CNT’S) o NPA nuon tanghali ng sabado sa Brgy. Batabat Sur, ng nabanggit na bayan.
Kinilala ang namatay na miyembro ng CAA-Cafgu na si Romar Gono, habang nakilala naman ang nasugatan na si SSgt. Victor Bartocillo at si CAA-Cafgu Armel Bajamunde.
Base sa ulat ni Quezon Police Provincial Director PCol. Joel Villanueva kay Calabarzon Regiona Director (PRO 4A) PBGen. Eliseo DC. Cruz, patungo ng Buenavista Municipal Police Station ang tropa ng 85th IB ng mga sundalo kasama ang dalawang Cafgu, para sa kanilang debriefing at paghahanda sa gaganaping Barangayanihan sa Brgy. Del Rosario, ng nasabing bayan ng harangin at paputokan ng sunod sunod ang mga sundalo ng mga hindi mabilang na grupo ng New Peoples Army o NPA, matapos ang bakbakan ay nakitang sugatan si SSgt. Bartocillo at si Bajamunde habang nasawi naman si Gono.
Narekober sa lugar ng engkuwentro ang mga basyo ng mga bala at Improvised Explosive Dignition paraphernalias. Nagpapatuloy ang isinasagawang follow up at manhunt operation ng mga pulis at sundalo laban sa mga posibleng suspek sa pananambang. (KOI HIPOLITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY