November 3, 2024

1-NAME LIST PARA SA NEXT PNP CHIEF NA KAY PPRD NA


ISINUMITE na ni Interior Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang one-name list na papalit kay Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Debold Sinas, na magreretiro na sa Mayo 8 matapos abutin ang mandatory retirement age na 56.

“I already submitted to the President my recommendation for the next Chief PNP after the retirement of Gen. Debold Sinas through Napolcom (National Police Commission) Resolution No. 2021-0469. The recommendation has only one name. But the President has the prerogative also to choose anyone with a rank of at least brigadier general in the PNP force,” ayon kay Año.

Hindi naman nito binanggit ang inirekomenda niyang pangalan pero maaring miyembro ito ng PNP Command Group na kinabibilangan nina Lt. Gen Guillermo Eleazar, deputy chief for administration, Lt. Gen Joselito Vera Cruz, deputy chief for operations at Lt. Gen Ephraim Dickson, chief of directorial staff.

Sina Sinas, Eleazar, Vera Cruz at Dickson ay kabilang sa Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987.

Una nang isnabi ni Sinas na lahat ng PNP general ay may sapat na kakakyahan na pamunuan ang puwersa ng kapulisan.


 “We just wait kung sino pipiliin ng Presidente at siya po ang susuportahan ng buong PNP ,” nang tanungin ang kunin ang kanyang komento matapos ang kanyang huling command conference noong Martes.


Sinabi rin niya na natapos niya ang kanyang misyon at nagpaalam na sa mga tropa/


 “I will be preparing for any day na i-approve ng Malacañang kung kailan ang turnover ). As to the (programs lined up), I leave that to the incoming (PNP chief),”  dagdag niya.