UMABOT na sa 1,139, 644 na mga Pilipino ang nabakunahan ng first dose at nasa 132, 228 naman ng 2nd dose.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa regular press briefing nito.
“So, importanteng achievement po ito dahil lumampas na po tayo ng 1 milyon na nabakunahan.”
Dagdag pa ni Roque, ang mga nabakunahan sa A1 health frontliners ay umabot na sa 965, 169.
“Ang first dose po ay 848, 986, ang second dose ay 116, 183.” dagdag pa ni Roque.
Karamihan sa mga nabakunahan ay mula sa National Capital Region. Sumunod naman ang mga rehiyon sarehiyon sa Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, Davao, Soccsksargen, Northern Mindanao at Western Visayas.
Samantala sa mga ASEAN countries, pangatlo na sa pwesto ang Pilipinas sa mga pinakamaraming nabakunahan.
Papayagan na rin ang mga religious gathering ngayong panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ngunit hanggang sampung porsyento lamang ng kapasidad ng venue.
“Pero ang LGU po, pupuede increasan ito hanggang 30 porsyento.”
Ang mga papayagan sa mga pagtitipon ay ang necrological services, wakes, interment and funerals.
“Allowed to move po ‘yung mga immediate family members to the wake or interment of the deceased.”ani Roque.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR