Ipinaalala ni House Public Accounts Committee chairman Mike Defensor na dapat ibigay ngayong buwan ng Nobyembre ang Christmas bonus at cash gift sa mga empleyado ng gobyerno.
Base aniya ito sa nakasaad sa Section 8 ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5.
Kaya naman, inaasahan ni Defensor na simula ngayong linggo ay matatanggap na ng mahigit 1.5 milyong government workers ang kanilang year-end bonus na katumbas ng isang buwang sahod at ang karagdagang P5,000 na cash gift.
Ayon sa kongresista, ang mandatong ito ng batas ay nakasaad rin sa National Budget Circular No. 579 na ipinalabas ni Budget Secretary Wendel Avisado noong Enero ng taong ito.
Kung nai-release na aniya ang pondo, maaaring sa Huwebes o Biyernes ay maibigay na ang bonus dahil papatak ng araw ng Linggo ang payday.
Kasabay nito ay hinimok naman ni Defensor ang pribadong sektor na ibigay na rin nang mas maaga ang 13th-month pay ng kanilang mga empleyado para maibsan naman ang hirap ng buhay sa panahon ng pandemya.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR