Naglahad ng kaniyang presentation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Social Welfare Sec. Erwin Tulfo sa ginanap na cabinet meeting sa Malacanang hinggil sa ipinatutupad na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na sa report ni Tulfo sa Pangulo, tinatayang 1.3 milyong benepisyaryo ng 4Ps ay hindi na maituturing na mahirap.
Ayon kay Angeles, katumbas ng pagkakatanggal sa listahan ng higit isang milyong pangalan ay P15 billion halaga ng tulong pinansiyal sa ilalim ng programa ang matitipid ng pamahalaan.
Dahil dito, magkakaroon ng mga bagong pangalan sa listahan ng mga benepisyaryo kasunod ng ginawang paglilinis ng DSWD list.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA