Kasabay ng pagdiriwang ng ‘Araw ng mga Manggagawa’ nitong Mayo 1 ay muling bumisita ang mga kinatawan ng tanggapan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano sa lungsod ng Caloocan upang mabigyan ng ayuda na nagkaka-halagang P10,000 ang nasa 200 benepisyaryo mula sa pinakamahihirap na sektor mula sa 13 lugar sa buong bansa.
Mismong si Congressman Egay Erice ang nag-abot sa mga benepisyaryo ng naturang halaga.
βMaswerte tayo na isa ang lungsod ng Caloocan sa kanilang napili. Ito ay sa ating pakikipagtulungan kay Congressman Alan Peter Cayetano at mga kasamahan sa Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso movement,β ayon kay Erice.
Layunin ng programa na mabigyan ng pag-asa ang mga pamilyang Pilipino upang makabangon muli mula sa kawalan ng trabaho.
βMagagamit ang P10,000 Ayuda pambili ng pang-araw-araw na pangangailangan at bilang kapital sa pagtayo ng maliit na hanapbuhay,β ani ni Erice.
βInihain nina Cong.Alan at ng mga kaalyado niya ang 10K Ayuda Bill noong Pebrero ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naaaksyunan. Kaya tayo ay buong pusong sumusuporta sa layuning ito para sa ikabubuti ng mas nakararami,β dagdag pa ng naturang kongresista.
Nagpapasalamat din si Erice sa pakikiisa nina Konsehal PJ Malonzo at Kapitan Alfred Ang sa naturang programa.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA