Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos at ganap nang batas ang P5.768 trilyong National Budget para sa taong 2024.
Sa isang ceremonial signing ngayong hapon sa ceremonial hall ng Palasyo, sinaksihan nina Senate President Migz Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at iba pang mga mambabatas at gabinete ng Pangulo.
Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nitong ang bawat sentimo ng taxes na ibinabayad ng taumbayan ay ibabalik sa kanila sa pamamagitan ng pinaglaanang proyekto ng pamahalaan.
Nakapaloob din anya sa 2024 national budget ang detailed battle plan ng pamahalaan laban sa kahirapan, iliteracy, pag produce ng pagkain at pag tuldok sa kagutuman na nararanasan ng ilan sa bansa at iba pa.
May paalala naman ang Pangulo sa mga mambabatas at taga gobyerno, na dapat nilang alalahanin na sila ay nagtatrabaho para sa mga Pilipino at bansa, at hindi para sa kanilang sarili.
#
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!