December 22, 2024

₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo

SINILIP ng Commission on Audit (COA) ang P152 milyon halaga ng entrepreneurship starer kits ng Tehcnnical Education and Skills Development Authority (TESDA) na hindi naipamamahagi noong 2023.

Ang mga kit, na inilaan para sa mga benepisyaryo ng Special Training for Employment Program (STEP) ng TESDA, ay tinatayang nasa 50,000 yunit.


Napansin din ng COA ang mga iregularidad sa paggamit ng pondo sa ilalim ng iba pang mga programa ng TESDA, tulad ng Sariling Sikap Program (SSP).

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang TESDA tungkol sa mga natuklasang ito.