
Arestado ang apat na hinihinalang tulak ng droga sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal at Lipa City, Batangas, kung saan mahigit ₱1.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam, ayon sa ulat ng Calabarzon Police Regional Office 4A nitong Miyerkules, Hunyo 18, 2025.
Dakong 8:40 ng gabi sa Sitio Anginan, Brgy. San Isidro, Rodriguez, nadakip ng Rodriguez Municipal Drug Enforcement Team ang dalawang suspek na kinilala lamang sa mga alyas na “Jai” at “Gem.”
Nasamsam sa kanila ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 142 gramo at tinatayang halagang ₱965,600.00 (batay sa standard drug price), isang Magnum cal.22 “Black Widow” pistol na may bala, mga drug paraphernalia at buy-bust money na ginamit sa operasyon
Mas maaga naman, bandang 4:10 ng hapon, nadakip ng mga operatiba ng Lipa City PNP ang dalawang nasa drug watchlist na sina alyas “Reynaldo” at “Rico” matapos bentahan ng shabu ang isang poseur buyer sa Brgy. Plaridel, Lipa City.
Kabilang sa mga narekober sa operasyon ang 1 sachet at 2 knot-tied plastic sachets ng hinihinalang shabu (kabuuang 100.14 grams, tinatayang halagang ₱680,952.00), isang cellphone, isang asul na Suzuki Raider motorcycle, isang Remington cal.45 pistol na may magazine at bala, itim na sling bag at Buy-bust money.
Ang lahat ng naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang tukuyin kung may mas malawak na drug network ang sangkot sa mga nasabing operasyon. (HIPOLITO/ERICHH ABRENICA)
More Stories
‘BOY DILA’ NG SAN JUAN, HIMAS-REHAS ANG BAGSAK (Dahil sa pagsitsit sa menor de edad)
Ginang dinukot at tinangayan ng SUV sa Laguna; 2 suspek arestado sa Quezon
Lasing na driver at may-ari ng van na sangkot sa Tagaytay tragedy, inisyuhan ng SCO ng LTO