Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamumuno ni Department of Transportation Secretary Vivencio βVinceβ Dizon, at sa liderato ni LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, na panatilihing ligtas at komportable ang publiko lalo na ngayong panahon ng UNDAS.
Ang LTO Calabarzon sa ilalim ng pamumuno ni LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) IV-A ay patuloy na nag sasagawa ng serye ng surprise random drug testing na ngayon ay nasa terminal ng Batangas.
Sa kabuuan, 100 Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang sumailalim sa nasabing pag susuri. 96 dito ay negatibo habang 4 na public utility jeepney drivers naman ang nag positibo sa pag gamit ng ipinag babawal na gamot.
βPaalala pong muli para sa mga drivers na lumalabag sa batas, lalong-lalo na sa mga drivers na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi kami magdadalawang-isip na ipahinto ang inyong pamamasada, kanselahin ang inyong lisensya, at isailalim kayo sa kaukulang kaso. Ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng droga ay hindi lamang paglabag sa batas, ito ay direktang paglalagay sa panganib ng buhay ng inyong mga pasahero at ng iba pang motorista.
Sa publiko, patuloy po kami na magbabantay sa ating mga kalsada. Hindi kami titigil sa pagpapatupad ng batas upang masiguro na ligtas ang bawat biyahero, lalo na ngayong panahon ng UNDAS.β ani RD Decena.
Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng LTO Calabarzon ang lahat ng PUV driver at operator na pairalin ang disiplina, responsibilidad, at malasakit sa kaligtasan ng publiko, lalo na ngayong panahon ng UNDAS kung kailan inaasahan ang mas mataas na bilang ng mga biyahero.
Iginiit ng LTO Calabarzon na magpapatuloy ang mas pinaigting na random drug testing, terminal inspections, at road enforcement operations sa buong rehiyon upang matiyak na ligtas, maayos, at mapayapa ang biyahe ng bawat mananakay.
