June 21, 2024

𝐓𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍𝐆 π†πˆππ“Γ”: πŒπ€πŠπ€π“π€ 𝐍𝐆 𝐓𝐀Ó𝐍 πŸπŸŽπŸπŸ’

1. Ang Talaang GintΓ΄: Makata ng TaΓ³n ay isang patimpalak sa pagsulat ng tulΓ’ na itinaguyod ng KWF na naglalayong pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilΓ‘la sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tulΓ’.

2. BukΓ‘s ang timpalak sa lahat ng mga Pilipino, babae man o lalΓ‘ki, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak. Gayundin, ang mga nagwagi ng limang beses bΓ­lang Makata ng TaΓ³n na ituturing nang Hall of Fame ay hindi na rin kalipikadong lumahok.

3. Ang entring ipapΓ‘sa ay maaaring isang mahabang tulΓ’ (humigit-kumulang sa isang daang (100) taludtod) o isang koleksiyon ng sampung (10) maiikling tulΓ’ (maaaring kulang sa 10 taludtod o humigit sa 15 taludtod ang bawat tulΓ’) na may magkakaugnay na tema. Kinakailangang may pangkalahatang pamagat ang ipapΓ‘sang koleksiyon.

4. MalayΓ  ang paksΓ’ ngunit kailangang tumatalakay sa isang mahalagang paksaing panlipunan sa kasalukuyan. Ang ipapΓ‘sang mahabang tulΓ’ o maiikling tulΓ’ ay malayΓ  (walang tugma at sΓΊkat). Maaari ding ialinsunod ang paksΓ’ ng kalipunan ng mga tulΓ’ sa paksang β€œGampanin ng Panitikan sa Pagpapanatili ng Kapayapaan ng Bansa.”

5. Ang lahok ay kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino, hindi salin ng nalathala nang tulΓ’, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Ang sinumang mahΓΊli at mapatunayang nagkasΓ‘la ng pangongopya ay kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nitΓ³ sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

6. Itinatagubilin ang paggΓ‘mit ng KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (i-downlaod para sa libreng sipi) bΓ­lang gabay sa mga aspekto na mahalaga at kahingian upang makasunod sa mga tuntuning nakasaad dito.

7. PΓ‘ra sa pagsusumite ng lahok, ilakip sa brown envelope ang sumusunod:

7.1 Apat (4) na kopya ng kompiyuterisadong lahok. Gamitin ang font na Arial 12 pt, may dobleng espasyo, at may isang pulgadang palugit sa bawat gilid na nakaprint sa short bond paper na may sΓΊkat na 8 Β½ x 11 pulgada.

7.2 Kinakailangang magtataglay lΓ‘mang ng sagisag-panulat (pen name) na kailanman ay hindi pa ginamit at walang kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok.

7.3 Notaryo na nagpapatunay na orihinal ang lahok

7.4 Entri form

7.5 Curriculum vitae at/o bionote ng makata

7.6 (1) isang 2×2 retrato ng kalahok na ipadalΓ‘ ang lahok sa koreo sa:

Lupon sa Talaang Ginto 2024

Komisyon sa Wikang Filipino

2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel

San Miguel, Lungsod Maynila

8. Para sa onlayn na pagpapadala ng lahok:

8.1 Kopya ng kompiyuterisadong lahok (.doc format). Gagamitin ang font na Arial 12 pt, single spaced sa 8 Β½ x 11 in (short bond paper) na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas, ibabΓ’, at magkabilΓ‘ng gilid. Kung makinilyado ang lahok, i-scan at isumite nang naka-pdf format;

8.2 Kinakailangang magtataglay lΓ‘mang ng sagisag-panulat (pen name) na kailanman ay hindi pa ginamit at walang kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok;

8.3 Notaryo na nagpapatunay na orihinal ang lahok;

8.4 entri form;

8.5 Curriculum vitae at/o bionote ng makata;

8.6 (1) isang 2×2 retrato ng kalahok (.jpeg format); at

8.7 Sagutan ang link at ilakip ang mga dokumento https://docs.google.com/…/1FAIpQLSd…/viewform

9. Ang hulΓ­ng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 2 PEBRERO 2024, 5:00 nh. Isasara din ang link para sa onlayn na pagsusumite ng lahok. Sa mga nagpadala ng lahok sa pamamagitan ng koreo sa hulΓ­ng araw, mag-email ng pruweba ng pagpapadala nitΓ³ sa [email protected] upang makonsidera sa paghihintay ng lahok. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.

10. Sa mga nagsumite sa pamamagitan ng koreo, magpapadalΓ‘ ang KWF ng mensahe (text) kung natanggap na ang lahok.

11. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:

β¦Ώ Unang gantimpala, PHP30,000 (net) + titulong β€œMakata ng TaΓ³n 2024”, tropeo, at medalya;

β¦Ώ Ikalawang gantimpala, PHP20,000.00 (net) at plake;

β¦Ώ Ikatlong gantimpala, PHP15,000.00 (net) at plake.

12. Ang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.

13. Ang lahat ng mga natanggap na lahok ay hindi na ibabalik at angkin ng KWF ang unang opsiyon sa paglilimbag ng mga nagwaging akdΓ’.

14. PΓ‘ra sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349 o mag-email sa [email protected].